Maraming beses
Mula noong minahal kita
Nasaktan ako
Lalo na nang iyong sinabi
Na siya nga ang mahal mo
Pero may mas masakit ka pang sinabi dun
Na hindi mo alam na nakasakit
Yun ay nung sinabi mo
Sayong kay tamis na tinig
Sa yaring tinig na kay talas rin
Na hindi mo ako kayang mahalin
Bakit?
Tanong ng puso kong umiibig
Pero ngumiti lang ako sayo
Na parang walang narinig
Parang walang pakielam
Pero sa totoo
Sa isip ko ay pumapatay
Ang bawat hininga
Ang bawat hininga kong binubulong
Ang yong bawat salita
Hindi kita kayang mahalin
Kay hina mong sinabi
At sing hina rin nito ang pagpatak
Ang tahimik na pagbagsak
Ng mga luhang nagmula pa
Sa kaibuturan ng karimlan
Mula sa kalaliman ng pinakamalalim kong lihim
Na mahal kita
Pinahid ko ang aking mga luha
At napagisip-isip
Na tigilan na ang aking kabaliwan
Kaya’t noon rin
Sinabi kong hinding-hindi mo na malalaman
Na mahal kita
Na mahal na mahal
Ngunit sabay ng aking pagtahan
Ay siya namang pag-ulan ng aking langit
Ang anghel ko’y naputulan ng kanyang pakpak
At ang puting suot
Itim na sa pag-iyak
Kaya’t ang sabi ko?
Ano ang nangyari?
At ang aking balikat
Para bang kay payapa at kay sarap
Paghigan ng ulong pagod na sa lahat
Hindi ka sumagot
Marahil ika’y pagod na pagod
Pero pagod saan?
Pagod ka na rin ba sa pagmamahal?
Suko ka na rin ba sa sakit?
Hindi mo na ba kayang ipaglaban
Nang ipaglaban
Nang ipaglaban
Ang taong wala namang pakielam?
Ang taong walang ibang alam
Kundi ang ika’y saktan
Tumahimik ako
Walang kahit na ano
Tayo lamang dalawa
Magkaibigan
Magkaibigan lang
Tahimik
Nakabibingi
Ang rami kong naririnig
Hindi kita kayang mahalin
Paulit-ulit
Walang tigil
Ang pusoPumipintig
Humihikbi
Sa mga salitang kay pait
Pero iyong sinabi
Mahal kita
At noong sandaling iyon
Handa na kong mamatay
Pero tekaSeryoso ka ba?
Mahal kitaIyong inulit
Kay sarap pakinggan
Kay tagal kong hinintay
Pero sino ang iyong iniiyakan?
Mahal kita
Sa isa pang pagkakataon
Sinambit mong kay ganapI
kaw langIkaw lang noon pa
At ako’y napaiyak rin
Ako’y niyakap mo at sinabing
Pero kailangan ko nang umalis
Bakit?
Itatanong ko sana
Pero bigla kong napagtanto ang dahilan
Gusto kong pumikit
Mahimlay na sa langi
tDahil ako’y minahal mo rin
Dahil ako’y mahal mo rin
Ngunit tinapik ako ng kampanang
Kamatayan ang pahiwatig
At nilakad ako nito sa daanang
Simpula ng rosas ang lakaran
Ang sakit
Ang sakit-sakit
Bakit ngayon lang?
Bakit ngayon mo lang sinambit
Ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig?
Na narinig ko naman sa iba
Na narinig ko sa kanya
Siya ang magdadala sakin sa harap ng panginoon
Sa altar na simbolo ng panibago kong buhay
O ng aking kamatayan?
Siya ang mangangako sakin
Ng isang panghabambuhay na sumpa
Pero ang nasa isip ko
Hindi ang mahalin siya
Dahil hindi ko siya kayang mahalin
Ang nasa isip ko ngayonAng nasa puso ko
Ang tanging tanong ko
Bakit hindi ikaw?
Yun langKay sakit itanong
O isipin man lang na mahal kita
Na mahal na mahal
At mahal mo rin ako
Pero hindi tayoMasakit
Pero sinabi mo kasi sakin noon
na hindi mo ako kayang mahalinAlam mo?
Ang dinidikta ng puso ko
Balikan ka
Ngunit ayoko siyang saktan
Ayokong madama niya ang aking nakaraan
Bakit ganun?
Bakit kung kailan tanggap ko na
Bakit nung akala kong hindi na kita mahal
Tsaka mo pa sinabing mahal mo ako?
Na mahal na mahal?
Bakit hindi mo tinupad ang sinabi mo noon?
Bakit mo ako minahal?
Lalo mo lang akong sinaktan
Ngunit ano pa man
Mahal kita
Hindi siya
Patawad sa kanya
Ngunit hindi ko siya kayang mahalin

0 Comments:
Post a Comment
<< Home