“MAHAL kita tapos MAHAL mo ay iba…”
Habang praning ako sa kakaisip sa iyo, ikaw naman sa bawat sulok siya ang nakikita… Sa dami ng text message ko sa iyo wala kang kahit isang reply… puro forward lang pero puro forward ka nga kaso sa kanya lang at ang masakit dun ung text ko pa ang nakikita kong nakasave sa inbox nya… Unfair na.. Hindi pa nakakatuwa.. Masakit talaga…PUTCHA!!! Bakit kaya ikaw ang pinili ko eh pwede rin namang iba… Bakit kasi siya ang pinili mo eh pwede rin namang ako?!! Sabagay ano ba karapatan ko? Kaibigan mo lang naman ako… Kaibigan mo na handang umalalay, kung kailangan mo nandyan… Na kapag kailangan mo nang tanga eh magpapakatanga at nanginginig pa!!! Na uto-uto pagdating sa iyo!!! Na kahit ano gagawin para sa iyo… Naalala ko pa nong wala kang libro, “May I share with you?” sabi mo pa! At kinilig naman sila... deep inside kinilig din naman ako… Pero kung may libro ka ba? Maiisip mo kaya na i-share din ako?… Alam mo ba? nawawala na ko sa sarili ko… Affected na ko… nahihirapan na ko… nawawala na ang konsentrasyon ko… Ikaw na palagi ang naiisip ko… Pati studies ko… Pati ung self esteem ko…ang buong mundo ko… At nauubos narin ang mga luha ko… Hindi ko nga alam kung talagang manhid ka ba? O talagang tanga ka katulad ko? Ngayon bawat patak ng luha ko lahat yun dahil sa iyo… Dahil kahit alam kong siya ang mahal mo patuloy parin kitang minamahal… Dahil kahit wala nang pag-asa umaasa pa rin ako… Dahil kahit nahihirapan ako ok lang… Dahil mahal kita… Dahil kapag nawala ito malamang wala na rin ako… Ano pa nga bang magagawa ko things will not get better tomorrow… ngayon lang ako nagmahal nang ganito… sa unang pagkakataon na nagmahal ako sinunod ko pa ung kanta… nagpakaSTUPID ako… Para sa isang taong hindi nakaapreciate sa mga efforts ko… Na hindi pinararamdam sa akin na… “Hindi ko kayang mawala ka” kahit bilang isang kaibigan lang… Ayoko namang sabihin sa iyo na mahal kita… Love is a natural feeling… Kailangan mahalin mo dahil un ang totoo hindi dahil sa mahal kita siya… Siguro I should never give up this time… Sabi nga nila Friendship is the beginning of love… Baka may chance pa… Ano? Ako mag tra-try and try until I die?? Hindi… mali un! Bakit ko pa kasi iniisip eh… I should not take it all seriously… Kung batukan nalang kaya kita… tapos kapag tinanong mo ako kung bakit sabihin ko nalang kaya na para sa kamanhidan mo... Tama siguro matatauhan ka rin—in time… I shoul never give up. Alam ko na I’ll hold on to my feeling in a good way… Pero hindi ako aasa… Hindi rin ako maghihintay… Hindi na rin ako iiyak… Mamahalin nalang kita at hahayaan ko nalang na kung ano talaga ang dapat mangyari un nalang… “A lost is never found again” at kapag pinakawalan kita tuluyan ka nang mamawawala sa akin. Ayokong mawala ka kahit kaibigan lang. Kapag minahal mo ko isa lang ang maipapangako ko… “Mamamahalin kita next to GOD”…. Dahil sa lecheng pagmamahal na hindi ko alam kung saan galing o kailan nabuo sa akin… Hindi ko na alam kung makakaya ko pa… Alam kong imposible na maging tayo pero ano ba ang magagawa ko? Ang kulit ng puso ko… Durog na nga… Asa pa rin nang asa na balang araw mamahalin mo rin ako… Talagang hanggang pangarap nalang na mahalin mo ko… Parang kang STAR na mahirap abutin… Sana pwede kong sabihin na tama na Nasasaktan na ko!!! Di bale nalang kaya… Kaso wala ikaw pa rin ang “MAHAL KO” di magbago… Eto parin ako…Isang tanga na nagmamahal na hindi minamahal… Isang tanga na nagpapakabayani kahit di mapagawaan ng monumento… at kahit di maukit ang pangalan sa semento…

0 Comments:
Post a Comment
<< Home