Monday, March 07, 2005

mahaba to as in

Bago ang lahat, yong luma muna. Noong una kitang makita, puso kofy nabihag mo na. Nahulog ako sa unang tingin, unang ngiti, at unang kaway kahit na hindi naman ako ang pinag-ukulan mo ng mga iyon. Naalala mo ba noong pinakilala ako sa iyo? Nanlalamig ang kamay ko noong kinamayan kita. Buti na lang may hawak akong yelo sa kaliwang kamay kaya hindi halatang nanlamig ako ng dahil sa iyo. Noong hawak ko ang kamay mo, di ba parang ayaw ko nang bitawan, para kasi akong nakuryente sa buong katawan, buong kalamnan kofy manhid sa dampi ng hangin sa paligid, pero parang nanginginig sa dampi ng malambot mong palad. Naramdaman mo sana kung paano kumabog ang dibdib ko, parang tambol ng bandang pumaparada tuwing fiesta, sa sobrang lakas. Hay naku! gLove at first sighth ba ang tawag dito? Leche, ako maiinlove? Never! Eh ano naman kung maganda ka? Eh ano naman kung mabait ka? Bakit, pwede namang crush lang kita di ba? Ooops! Crush nga ba kita? Bakit ko naman aaminin di ba? Tapos, bigla ka pang ngumiti, nanunukso ka ba? O feeling ko lang yon? At bakit naman kaya umiinit ang pisngi ko? Naku po! Ano na kaya ito? Nong napansin kong maraming nakatingin sa atin na nakangiti na akala mofy nanunukso, nagising ang diwa ko, di ko alam kung dahil sa hiya, bumitaw ako, sabay iwas ng tingin sa iyo, sabay banggit ng gNice meeting you.h. Kunwari wala lang, kunwari hindi ako tinamaan ng kung anuman. At ano nga ba ang tumama sa akin? Wala naman di ba? So, ayun, naging magkaibigan na tayo.

Ang ganda ng epekto mo sa buhay ko, pati magulang ko napaligaya mo. Paano ba naman, naging palasimba ako. Minsan nauuna pa akong gumising sa kanila pag araw ng linggo. At eto pa, naging active pa ako sa church organization, yon ay dahil nandon ka. At aminin ko man o hindi, gustong gusto kitang nakikita at nakakasama kahit na inaasar lang lagi kita. At pag asar ka na, di ko alam kung bakit tuwang tuwa ako pero kinakabahan naman pag di mo na ako pinapansin. Di ba nga tawag ko pa sa iyo ay suplada at tawag mo naman sa akin ay mamafs boy?

Kapag weekdays naman, napapansin mo bang lagi akong dumadaan sa harap ng eskuwelahan nyo? Umuuwi ako ng maaga pag MWF, dahil alam kong aabutan kita sa eskuwelahan nyo. Pero di kita papansinin, magpapakyut lang ako sa iyo, na kunwari ang mga barkada kong schoolmate mo ang dinadalaw ko. Tapos di ba nga, magbabasketbol kami, magba-balebol naman kayo, asar ako sa iyo non, kasi di ka man lang pumapalakpak pag nakakasyut ako. Kahit na takbong mayaman pa ako, may paturo turo pa para mas lalong cute. Kaya pag nakaka-score ka naman sa laro nyo, inaasar pa kitang tsamba lang yon at sabay sabing ang sagwa ng tira mo. Kahit na ang cute mong tingnan na seryosong tumira at may pahawi hawi pa ng buhok mo sa harapan. Bangs ba ang tawag don? At idagdag pa nating ang cute mo pag nakashorts ka. Lalo na pag medyo maiksi. Pero syempre di ko sasabihin sa iyong bagay sa iyo ang suot mo. Aasarin na lang kita mas matutuwa pa ako.

Noong may event sa eskwelahan namin, nagulat ako ng bigla kitang nakita. Kasama mo ang bespren mong kaeskuwela ko naman. Nahiya tuloy ako kasi nakita mo akong sumayaw ng itik-itik. Kung alam ko lang na nandon ka, di na sana ako sumayaw. Pero sayang din, kasi maganda ang partner ko, at may pahawakhawak kamay pa yong dance step, kaya malamang tutuloy pa rin ako sa pagsayaw. Mas nakakatawa ka naman noong sa inyo naman ang may event. Di ba nga, panlalaki yong part mo, may bigote ka pa. Tawa ako ng tawa sa iyo non di ba? Pero hinatid naman kita pauwi, biruin mo, ang haba ng nilakad ko maihatid lang kita. Ayaw mo naman kasing umangkas sa motor ko. Hiniram ko pa naman yon sa kuya ko para sana maiangkas kita. Naalala mo ba noong manalo ako sa declamation? Di ba nga ang yabang ko pa dahil may medal ako. Inspirado kasi ako non, nakita kitang papasok sa gate ng eskwelahan namin. At naalala mo ba kung paano kitang asarin nong huling tinalo ko ang representative ng eskwelahan nyo sa quiz bee? Na ang sabi ko, wala na ba kayong maihaharap na representative na tatalunin naman ako, na sawa na akong laging panalo. Maiyak iyak ka non di ba? Nakonsensya pa nga ako non at napahiya kasi sabihan mo ba naman akong napakayabang ko. Sabagay totoo naman. Kasi naman ikaw, kung sa akin ka ba naman nagcheer di sana hindi na kita inasar pa.

Tuwang tuwa naman ako sa iyo noong umalis ang parents ko. May pabigaybigay ka pa ng card, mang-aasar ka lang naman pala. Ang ganda ng message mo di ba? gDear Mamafs Boy, Naaawa naman ako sa iyo at maiiwan ka ng mama mo. Paano yan, wala nang mag-aayos ng gamit mo? Wala na rin magpupunas ng pawis sa likod mo pagkatapos mong magbasketbol. Pero dapat kang matuwa, wala nang magbabawal sa iyong magmotor. At pwede ka nang gabihin sa party at di ka na madedeyahe na baka sunduin ka na naman. Di ba ok? Donft worry, nandito naman kaming friends mo para asarin ka pag nalulungkot ka na.h Very touching ang message mo di ba? Pero siyempre, naappreciate ko naman ang pang-aasar mo. At saka okey na rin kasi may heart naman na nakadrawing pagkatapos ng sign mo.

Noong graduation namin, hindi ko alam na umattend ka pala. Akala ko hindi ka pupunta kasi di ka man lang pumunta sa bahay, may handa pa naman. Ang lungkot ko non akala mo ba? Lasing pa nga ako habang nag-e-speech sa stage. Bago ako magsimula, hinahanap kita sa audience, pero dahil siguro sa lasing ako at marami ang tao noon kaya di kita napansin. Pansin mo bang muntik na akong maiyak sa speech ko. Siguro dahil sa hindi talaga kita makita sa audience. Kahit nong sinasabitan ako ng medal, napansin mo bang palingalinga ako? Hinahanap pa rin kita non, umaasang nandon ka lang at nakikisalo sa tagumpay ko. Yon ang pagtanggap ko ng tagumpay na pinakamalungkot sa buhay ko, feeling ko kasi wala ka. Di ko na napigilan pa ang luha ko non, hindi yon luha ng tagumpay kundi luha ng pagkabigo, pakiramdam ko bigo ako kasi wala ka para pag-alayan ng tagumpay ko. First time kong tuluan ng luha sa harap ng maraming tao sa buong high school life ko. Noong nakabihis na ako at tapos na ang mga besobeso sa mga kaklaseft kaibigan ko, nagpaalam na akong umuwi, susugurin sana kita sa bahay nyo para ipakita ang medal na pinagpaguran ko. Nagulat ako nong hinila ako ng bespren mo. At lalo akong nagulat nong makita kita. Nandon ka pala. Gusto kitang yakapin non. Gusto kitang halikan. Ang lamig sa tenga nong sinabi mong gCongrats!h, ang lamig din sa pisngi, may luha na palang dumaloy, na agad ko namang pinunasan, parang may mga bells sa paligid ko, at mga ibong humuhunift nanunukso. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang gong na pinapalo ni Samson. First time kong tumitig sa iyo ng matagal, na kahit parang natutunaw na ako, tuloy pa rin sa pagtitig sa iyo. Eh kung halikan kaya kita, ano kayang gagawin mo? Magulat ka kaya? O baka naman tumili ka? Kaya ang sinagot ko na lang ay walang kuwentang gSalamat!h. Syet di ba, yon lang ang nasabi ko? At syet lalo kasi biglang sumulpot ang barkada ko at hinatak ako papunta sa ka-loveteam ko na kaklase namin. gWrong timingh talaga. Pero okey lang, may besobeso at libreng yakap naman ako, di nga lang sa iyo galing. Pero sa high school na katulad ko, kilig sa buong katawan na ang dulot non. Siguro kung ikaw yon, di lang sa katawan kundi hanggang sa kalooblooban ko ang kilig na dulot non. Di ako umuwi nong gabing yon, kasama ko ang barkada. Sabi ng kuya ko kinabukasan, kasunod nyo daw silang umuwi, nilampasan pa nga daw nila yong sasakyang sinasakyan nyo.

Nong graduation nyo naman, nandon ako, nakikinood, nakikikulit sa mga barkada kong kaeskuwela mo naman. May dala pa nga akong roses non. Tinago ko muna sa sasakyan ng kuya kong pulis na nagbabantay sa graduation nyo para di makita ng barkada at para di ako asarin. Alam na alam ko kung saan ka nakaupo. At pagkatapos nyong ibalibag pataas yong headgear nyo, kinuha ko na yong bulaklak, sabay hanap kung nasaan ka na. First time kong magbigay ng bulaklak, nagpraktis pa ako sa harap ng salamin kung papano ko iaabot sa iyo. Pinag-isipan ko pang mabuti kung ano ang sasabihin ko. Di nga ako makapag-decide kung mag-e-english ba ako o magtatagalog? Nakita kitang kasama mo ang bespren mo. Nanlamig na naman ako, di ko nga maramdaman na may hawak pala akong bulaklak. Habang lumalapit ako sa iyo lalong tumitindi ang kaba ko sa dibdib. Palingalinga pa ako para masiguradong wala ang papa mo sa paligid. Nong masigurado kong wala nga, lumapit ako sa iyo, sabi ko gCongratsh, tumingin ka, ngumiti, sabay alis naman ng bespren mo. Inilabas ko ang bulaklak na nakatago sa likod ko, inabot ko sa iyo. Tsumansing pa ako. Hinawakan ko ang kamay mo, sabay halik, sa pisngi lang naman, sabay sabing, gI love youh. Ngumiti ka lang. Pulang pula ang buong mukha mo, di naman dahil sa make-up. Pag-ilag ko ng tingin ko sa iyo, nakita ko ang papa mo, salubong ang kilay na nakatingin sa atin. Napalunok ako. Feeling ko, umurong ang kung anuman sa ilalim ng salawal ko, ang init ng mukha ko. Lalo akong natulala nong lumapit siya. Tinanong ka kung anofng oras kayo uuwi. Pagkasagot mo, tinanong naman ako kung sasabay ba ako papunta sa inyo, may handa ka pala. Sagot ko naman, gHindi na po, makikisabay na lang ako sa barkada pagpunta sa inyoh. Tapos, ngumiti lang ang papa mo, para akong binuhusan ng maligamgam na tubig, nawala lahat ng lamig sa buo kong katawan. Nag-inuman muna kami ng barkada sa kanila, ayaw ko sanang uminom kasi dyahe sa papa mo pagbisita ko sa inyo, pero dahil sa kailangan ko ng lakas ng loob at tibay ng dibdib, uminom na rin ako. Pakuntikonti lang naman. Pero sa pakuntikonting lagok, di ko namalayan ang oras. Sa kalasingan naman, naidlip ako. Nagising ako nong nagtatawanan ang barkada sa labas, ang mga walanghiya, may pinagtitripan palang bote ng San Miguel, ipinatong sa poste sa kabilang parte ng kalsada, at pinupuntirya ng airgun. Ang matatalo pala ang magbabayad sa balot na kinain nila kasi naniningil na ang batang naglalako. At dahil nga sa lasing ang mga hunghang, walang nakatama, kaya sila ding lahat ang nagbayad, hatihati. At dahil may natira pang balot, dinekwat ko na, nakalibre ako sa bayaran. At pagtingin ko sa oras, hatinggabi na pala. Di na kami nakapunta sa inyo. Okey ba ang alibi ko? Cross my heart, hope to die, hindi naman yan alibi. Yon talaga ang totoong pangyayari.

Eto na ang pinakamasakit na parte. Ang ating paghihiwalay. Di ba nga, linggo non, may ginagawa tayo sa simbahan noon. Nasabi ng bespren mo na may tampo ka raw sa akin at hindi daw convincing ang alibi ko ng di pagpunta sa inyo. At bakit daw pagkatapos ng paliwanagan natin sa isaft isa ay di na ako nagpakita sa iyo. At bakit daw panay ang punta ko sa kabilang bayan? Siguro binibisita ko daw yong kaklase kong sabi mo nga ay gmalandih, na sabi mo pa nga high school pa lang eh nakikipagbesobeso na at may pahawakhawak kamay pa, na sabi mo rin daw loveteam lang naman di pa naman mag-on, kung makaasta ay parang kami na, na idinagdag mo pa na ginawa lang akong tagagawa ng assignment, at tigatype ko naman ng report, na pareho lang kaming naggagamitan sa isaft isa. Di ba nga, sabi mo kasi wag muna akong magpapakita sa iyo. At saka di ba nga tinanong mo kung bakit kita hinalikan eh di mo naman ako boypren. Na hindi ko naman nasagot ng maayos kasi sabi mo nga huwag na muna kitang kausapin. Ngayon, heto na magpapaalam na ako sa iyo. Matatagalan siguro bago tayo magkita ulit. Gusto ko mang sundin ang sabi mong wag muna tayong mag-usap pero tingin ko kailangan kong magpaalam sa iyo. Lumapit ako sa iyo nong mag-isa ka na lang. Iiwas ka pa sana pero nahawakan ko ang kamay mo at napigilan kita. Sabi ko, gMagpapaalam lang ako. Aalis na ako, sa Manila kasi ako mag-aaral.h Ang ganda ng sagot mo di ba? gGoodluck!h. Sabay piglas, pero nakita kitang nagpunas ng luha sa mata. Kinabukasan, hinatid ng bespren mo yong card na pinapabigay mo. Ang galing ng timing nya, ayaw mag-start ng owner naming bulok na maghahatid sa akin sa bus station, inabutan nya pa ako. Hindi ko alam kung anong dahilan at sinadya ng pagkakataon na abutan pa ako ng bespren mo. Di ko alam kung nang-aasar o nang-iinis? Ang hirap tuloy umalis, ang bigat sa dibdib. Kung bakit naman kasi sa Manila pa kailangan mag-aral, may university naman dito sa atin. Masyado kasing mapangarap ang mga magulang ko, at isama mo na rin ako. Sa bus ko na binuksan ang card na bigay mo. gGoodluck and God Bless!g ang ending. May heart pa rin sa sign mo, dalawang malaki sa unahan at hulihan. Sa pinakadulong line, ang walang kamatayang gP.S. I love you.h, korni pero nakakaiyak pala. Korni pero iba ang epekto pag galling sa iyo at para sa akin ang sinulat mo. Parang tinakasan ako ng kakornihan sa katawan at binalot ng di maipaliwanag na matinding damdamin. Hayyyy, Ang sarap ng feeling. Ang gaan gaan ng loob ko, parang yong sa commercial. Para akong dinuduyan sa bawat indayog ng bus. Pakiramdam kofy sa ulap bumibiyahe ang bus.

Sa unang buwan mula noong tayofy nagkahiwalay, may limang sulat tayo para sa isaft isa di ba? Nakailang card kaya tayo kung uso na ang cellphone noon? Malamang ubos lagi ang allowance ko non. Sa paglipas ng mga buwan, dumalang ang mga sulat. Trimestral break, di ako nakapagbakasyon kasi naubos ko ang allowance ko na pangbakasyon. Second trimestral break, ganon din. School year break, ayan nakapagbakasyon ako. Dumating din kasi ang mga magulang ko. Magbabakasyon din sila. Tamangtama, samasama ulit kami sa bahay na kaytagal nilang nilisan. Syempre, pagdating ko palang ng bahay, punta agad ako sa inyo. Naalala mo ba? Si papa mo pa nga ang nagbukas ng pinto. Nasa sala ka naman, kasama ang isang barkada, isang barkadang traydor, nanliligaw din pala sa iyo ang hayop. Alam mo bang gusto kong sapakin at ingudngod ang mukha niya noon? Pero dahil barkada nga, nakipagplastikan ako sa kanya. At ang kapal ng mukha di ba? Alam na ngang nandoon na ako, hindi pa umalis. Nakipagkuwentuhan pa. At ang masama mukhang makakasabay ko pa siya pauwi. Hay! Talaga naman, bakit di maubos sa mundo ang mga taong malasuwelas ng alpombra ang kapal ng mukha. O sige na, guwapo siya kung sa guwapo, pero makapal pa rin ang mukha niya. Pero okey naman palang makipagplastikan, masaya naman tayong tatlo habang nagkukuwentuhan. Nag-aya ka pa nga sa terrace nyo at doon binilang nating tatlo ang mga bituin sa langit. Madaya ka nga kasi yong buwan ang binilang mo. Ako yata ang pinakamaraming nabilang, joke lang, dalawa lang pala ang nabilang ko, dalawang bituin sa mukha mo. Yong dalawang mata mo. Sinampal mo pa nga ako ng padampi sa pisngi nong mapansin mong nakatitg ako sa iyo, dumulas pa ang mga daliri mo sa labi ko, at nasalo ko naman ang palad mo bago tuluyang bumaba. Hinawakan ko nang matagal. Di ka naman pumiglas, humigpit pa ang kapit mo sa kamay ko. Nagkunwari namang walang nakikita ang mokong na kaibigan natin. Sabi ko sa saril ko, mamatay siya ngayon sa inggit, di ko bibitiwan ang kamay mo. Ang tagal din nating magkaholding hands noon. Imposible namang di nya napansin yon. Dahil maghahatinggabi na at panay na ang ehem at punta ng papa mo sa banyo ay napag-isipan naming magpaalam na. Hinatid mo kami sa gate nyo. Pagkalabas ng kaibigan natin sa pinto, sinabihan mo ako kung pwedeng magpaiwan muna ako sandali. Sumenyas naman ang kaibigan natin na maghihintay na lang sya sa labas at sabay na kaming uuwi. Tumango naman ako.

Bumalik tayo sa terrace. Yumakap ka ng mahigpit, yumakap din ako. Tapos bigla kang pumiglas. Bumitaw naman ako. Sabi mo, binasted mo na siya pero panay pa rin ang ligaw sa iyo. At dahil kaibigan naman kaya pinatutunguhan mo. Ngumiti ako at inassure ka na naiintindihan kita. Pero ang di ko maintindihan ay kung bakit nakikipagkalas ka na sa akin. Sabi mo mahal mo pa rin naman ako. Kaya lang wala ka nang tiwala sa akin. At ang pinakamasakit sa lahat, mas mahal mo na ang bago mong boypren ngayon. Dalawang buwan na pala kayo. Tinanong kita kung bakit di mo sinabi yon sa mga huling sulat mo. Sagot mo naman ayaw mong masira ang pag-aaral ko. Taksil! Taksil ka! gusto kong isambulat sa mukha mo, pero di ko magawa. Natameme ako, parang gumuho ang buong mundo ko. Sabi mo pa, alam mo lahat ng pinaggagagawa ko sa Manila. Kung ilan ang naging gelpren ko habang tayo pa. Kaklase ko pala ang isang pinsan ng bespren mo nang di ko naman alam. At nagbakasyon pala siya dyan sa bespren mo. Nagulat nong nakita ang litrato ko sa inyo, at para huwag makonsensya, kinuwento nya lahat ng nalalaman nya tungkol sa akin. Patay kang bata ka! Lulusot pa ba ako? At alam mo rin kung bakit nauubos ang allowance ko na pangbakasyon sana. Alam mo rin na ginamit ko pala yon sa pagbabakasyon sa probinsya ng kaklase ko na gf ko. Kasi minsan tumawag ka sa bahay ng kuya ko na tinitirahan ko at nadulas ang pamangkin ko na nasa bicol ako kasama ang gf ko. Yan madali lang sanang lusutan pero yong nauna hindi. Ano pang magagawa ko kundi umamin na lang. Ilang patak ng luha ang nakita mo? Ilang patak ang pinunasan mo pa nga? Ilang patak din ang ibinuhos mo? Sa kabila ng lahat, di ka nagalit. Sabi mo ubos na ang galit mo. Sabi mo rin, di mapapantayan ng luhang kaya kong ibuhos ang naibuhos na ng mga mata mo. Ang pinakamabigat na binitawan mo, gMasakit di ba?h. gWe can still be friendsh, palubag loob mo. Ano pa bang magagawa ko? Di friends kung friends. Ni isang salita wala akong nasabi, ni ngiti di ko magawa ng tama. gFriends?h sabay alok ng kamay ko. gFriends.h Magkahawak kamay na tayo. gOne last hug?h sabi ko. Yumakap ka, nabasa ng luha ang likuran ko. Yon ang pinakamahigpit na yakap na naramdaman ko sa buong buhay ko. Matagal bago tayo bumitaw. Kung di lang natin narinig na may biglang bumukas na pinto mula sa balcony ng bahay niyo di pa tayo maghihiwalay. gAalis na ako. Goodnight.h Sabi ko. gGoodluck!h ang sagot mo.

Paglabas ko ng gate, nandon ang barkada ko. Tinanong nya kung nagkabalikan ba tayo, sagot ko, ghindi ehh. gInom na lang tayoh, sabi niya. gTara!h sagot ko naman.

Fast forward sa kasalukuyan. Ang ganda mo pa rin. Bagay na bagay sa iyo ang puting damit na suot mo. Ang ganda ng ayos ng buhok mo. Ang ganda ng make-up mo. And ganda ng ayos ng simbahan, ang daming bulaklak. Lahat ng tao sa paligid nakatingin sa iyo. Bidang bida ka. gHere comes the bridec..h yon yata ang lyrics don sa tugtog. Di ko alam. Nakatitig lang ako sa iyo mula sa harap ng simbahan. Kasama ang tatay ko. Pareho kaming nakabarong. Katingkati ako sa barong, di kasi ako sanay magsuot ng barong. Palapit nang palapit, paganda ka naman ng paganda. Ang ganda mo talaga sa wedding gown mo, para kang prinsesa. Nanaginip ba ako? Hindi, totoong nangyayari ito. gI now pronounce you man and wife. You may kiss the bride.h Sabi nang isang tao. Saka lang ako natauhan, hindi pala ako yong groom, best man lang pala ako at ninong mo naman ang tatay ko. Hay Buhay! Parang life!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home