Monday, March 14, 2005

iniaalay ko sa mga LITERAL NA MANHID

Hindi ka naman BULAG pero parang ndi mo makita..... na iba ang titig ko sa titig ng iba na iba ang ibig ipakahulugan ng aking mga mata... na iba ang hinihintay na tugon mula sayo; hindi simpleng "hi", "hello" , "kamusta ng kaibigan ko"?
Hindi ka naman BINGI pero parang nde mo marinig..... ang minsang pahaging na pansinin mo ako, ang mahinang bulong ng puso kong lito ang tahimik na sigaw ng damdaming gulong - gulo; na tatahimik lang pag niligawan mo ako!
Hindi ka naman PIPI pero ba't di mo masabi..... na ikaw sa akin ay may pagtingin rin na bumubwelo ka lang at dapat kong intindihin na tumityempo't nag-iingat sa lahat ng sasabihin tulad ng "mahal rin kita" bago sambitin
Hoy!Mr. Manhid!!! mag isip isip ka Hindi habang buhay akong magpapakatanga baka magising na ako sa aking pagpapantasya; sa tulad mong pinaglihi ata sa "anaesthesia"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home