Mga Tula ng Buhay
Green"
green...ang kulay ng mga halaman sa hardin ng paraiso na kung saan ay nagkikiskisan ang mga hubad na katawan ng tao ito rin ang kulay ng mundong nabuo sa malikot na isip ko dahil pakiramdamdam ko ay nag-iinit ako sa tuwing madarama ang alindog mo. ewan ko ba siguro tama ka berde ako.

"Alas Sais"
pitik bulag na katahimikan sa gitna ng kaguluhan. maupo na muna. magpahinga. itikom ang nangangalay na paa malapit na. maglakad at ubusin ang oras na mabagal pa rin, hindi pwedeng matulog walang magagawa kundi maghintay.

"Para Kay Levi"
mula pa noon ganyan ka na katatag humarap sa mga tipak nitong naglalakihang bato na pilit ipinupukol sa iyo itinatago niyang kulay mo ang kasaysayan ng mundo bahagi mo ako at ako ay sa iyo kahit na bakal pa ang iyong puso pilit na hahanap ng butas ang dumadaloy kong dugo upang tayo ay pag-isahin hanggang lumambot ang iyong damdamin

"Ligalig"
sisinghap-singhap ang dekada ng mga makabagong bayani inaalat na tulad ng mga butil-kaliskis na balakubak kasingpait ng mga nakakubling libag sa talampakan nitong maglulupa wala na ang simoy ng amihan sa kanayunan pinalitan ng umaangil na ulap ng nagbabagang pulbura parito, paroon palitan ng mga tinggang hugis karayom walang patawad na babaon sa kalamnan ngunit ang mga bayani ay hindi malilimutan malibing man maagnas at maisama sa lupa nitong ipinaglaban

"Baha"
naglalaro ang maliliit na alon sa batuhan kasabay ay paulit-ulit na pagtalbog sa kalagitnaan tinatangay ng mapagbirong hangin hanggang sa ulap lumilikha ng kislap at palakpak naroon lang ang unos ang kinatatakutang delubyo sigwa pinagsamang ingay at katahimikan magkatipan bawat isa ay nagkakaisa paikot pabulusok ang mababangis na luha kanyang dinadala kasunod ay payapang umaga

"Beloved Guitar"
Everytime I hear the melodies I feel like hearing my infantile cries in harmony, piercing my eardrums with a filigree-tipped spear up to the base of my floating brain. It brings back that long ago when I first started my perpetual wedlock with it. filled with dormant dossier of nostalgia and tenacious enigma, that has changed my life into oblivion. all is gone but the echo of ripples tingling in my mind. like the swinging of strings, I want to hold it again, but this time, forever close to me. This enchanted piece of wood, formed in amorously curvaceous proportion, was made as if to constantly remind me of the beautiful creature called woman. ever changing, ever frustrating, yet always generous to give fair chances to those who persist to seek the price of its elusive charm. It never failed to make my veins and arteries vibrate in ecstacy, drawning my reason to delirium only to be awakened by the drops of my saliva.

"Sa Taas ng Batong Upuan Katabi ng Basurahan"
umiikot ka na naman sa tabi ng parisukat na tatlong taon mo ng ginagawa araw-araw. binabaybay ang makipot na diwa sa malawak na kamalayan hanggang tuluyan itong sumabog at magkahiwa-hiwalay upang muling mabuo. maliit ang kurot ng ibinatong kulangot, sa halip na ito'y humarang bumara lang at nakapuwing sayang ay muntik pang matapakan dulot ng taglay nitong kalakihan sa kailaliman na abot pusod pero balon ang katumbas. kaya sige pa at ituloy ang animo'y walang humpay na paghahanap sa hindi mawala-wala. nasa likod lang ng buwan. kasing daling tingnan ng araw. lalo na kung gabi't mapanglaw ka, walang kasama.

"Pasakalye"
pula, dilaw, luntian at bughaw mga matang bulag sa isang dipang pangarap ninoman tuluy-tuloy walang hinto na hindi kumikilos habang gumagalaw. hagurin dahan-dahan ang makinis na pader gamit ang pinabilis na kagaspangan ng lipaking mga kamay. ihakbang ang maruruming paa sa lansangan sama-sama. ipalo ang maso, pahintuin ang makina isabay pa ang sigaw ng protesta dahil tatagpasin nilang magkaibigan ang mga masasama. dudurugin, duduraan.

"Lagok"
isa pa, itagay mo pa tatlong ikot na lang ubos na. hindi malamig, ubod ng lamig. iisa lang pala ang tama. ibigay ang pulutan doon sa malakas kumain. pagkatapos nito, isusuka rin.

"Talaan"
paano ko nga ba kinolekta ang mga ala-ala? sa piraso ng bato? sa piraso ng kahoy o halaman? siguro sa simoy ng hangin at lasa ng pagkain? hindi naman kaya sa kalampag ng mga musika? wala nga sigurong batayan wala ring katapusan ang pagkolekta ng mga ala-ala nakagawian ko na itong gawin noon pa kaya kahit na ubos na ang mga bato kahoy at halaman kahit na said na ang bakas sa simoy ng hangin at lahat ng pagkain manahimik man ang indayog ng musika hangga't hindi pa nauubos ang mga naipong lakas na magdadala ng mga lipas na gunita ng galit at takot ng lungkot at tuwa makababalik pa rin ako saan man magpunta

"Bangungot"
pa'no ako gagalaw ni hindi halos makahinga? Buong katawan ko'y balisa't naninigas na. kaninong anino itong humahabol? pakay sa akin hindi malaman. paulit-ulit iisang tagpo walang pagkasawa. kailan kaya hihinto, didilat pa ba?

"Yugto"
ang dami mong gusto lahat na lang pinapangarap. sana nga ay sapat ang panahon o 'di kaya'y sobra-sobra pa. mataas abutin pinipilit pa rin kung mababa naman, walang kagana-gana. nasa'n kaya 'yong tamang-tama? hindi na makuntento kahit kailan laging nag-aasam ng bago lalo na 'yong naiiba para bang moda na papalit-palit. hanggang saan kaya ang lakas na makakaya? upang itong mundo'y hubugin sa gusto at ayaw ng iyong sarili? masaklap kung minsan ang buhay na ito kaya kailangan ang tibay ng loob. umasa sa liwanag na dala ng pag-asa, konting tiis lang, umaga na naman.

"Pulubi"
lamyos ng dampi ng ginaw sa tuyong balat ng nilikhang kanina pa ay naghihingalong kumakampay sa gilid ng dagat sa gitna ng disyerto sa loob nitong lunsod na kayraming pangako bigo nilalasap ang pabagu-bagong init-lamig ng malungkot na ihip ng hangin-usok may ibinubulong na mensahe nagmula pa sa kung saang daigdig pumapaimbulog sa kalawakan parang naglalaro tumatawag nakikipag-away nanunukso naghahagilap ng kaunting pansin na wari ba ay kasing kulay ng bahaghari kahit na walang inilimos na tubig-ulan kahit na sadyang kaydilim ng sanlibutan
"Ilang Sandaling Paalam"
sa likod ng mga ngiti nakakubli ang lungkot butil ng mga ala-ala mga limot na kabanata kaybilis kaybagal paglisan nitong mahal.

"Tuldok"
isang tuldok sa ilalim ng bundok ng mga gawaing nakakabagot mga linyang subok sa diretsong tatsulok matatag mataas maliksing umiinog sa harap ng mga taong nagtataka sa tuldok

"Lapis"
gumigiling ang mga ngipin sa katawan ng kahoy upang ito ay patalasin umiikot pailalim hanggang sa sagarin ang itim na buto hihinto lang kapag upod na ito.
"Larawan...I"
ang nakasimangot na ngiti ni Lisa ay ikinulong sa kahon ng lumang gunita masaya o lungkot siya lamang ang may alam ng sagot kapiling ng mga libong bituin noong gabing 'yon nagniningning. bumubulong.

"Larawan...II"
kasama ni Lisa si Jojo sa loob din ng kahon kapiling ang libong mukha roon magkaakbay at yakap ang isa't-isa walang problema kundi ang mga panahon na iniwan nila pero wala ng pag-asa dahil tila unti-unti nang nasusunog itong larawan nila kasama ang bulok na bahay at alabok kasama itong mga uling at usok ngunit parang walang problema nakangiti pa rin sila.

"Dapithapon Sa Mata ng Isipan"
Pabulusok na ang ginintuang hari sa dulong kanluran. rumuronda na ang mga paniki, nakadapo na ang mga ibon. tumitili ang mga kuliglig kasabay ng walang patid na sagutan ng mga palaka. ang mga butiki naman ay humahalik na sa lupa. malamig na hangin ang madaramang sumisipol sa pandinig at pumupukol ng mumunting alikabok upang ipaalam ang malambing nitong dampi. maya-maya lang ay sisibol na ang nagkikintabang kurap ng mga mumunting kulisap sa kalangitan upang ito'y ilawan hanggang umaga.

"Henyo"
At sumibol ang mga mapagbunying isipan sa makapal na balat ng lupa. ang pinagtatakhan ko lang ay bakit tila tinatangay tayo ng malakas na daluyong ng karunungan patungo sa dagat ng kalituhan? ito ba'y matatawag na kamangmangan sa sarili o sakit na nagdudulot ng panghihinang tumayo sa paa, na taas ang noo, at may pagkukusa? ano nga kaya ang nagtatago sa likod nitong makulay na isipan?
nanatili ang karamihan na pikit-mata sa pagtanggap ng mga kaisipan ng kapwa habang ang iilan ay abala sa paghubog ng mga bagong panaginip na syang lililok o lilipol sa buong sanlibutan. hindi man sinasadya, o inaasahan, nagsilbing mantsa sa puso't puson ang mga panaginip na ito. kahit na sa mga pagkakataong sarado tayo. walang malay nating sinasagap ang mga pakalat-kalat na talino na para bang pagkain kung ito'y manukso sa nagugutom na kalamnan. kahit pa ito'y ikamatay, mapagbigyan lamang ang uhaw na nararamdaman. hanggang sa tuluyan na itong umalipin sa sinumang magtangka na kumawala.
hulog ba sila ng langit o sumpa ng galit na apoy ng nagbabagang impyerno? tayo lang ang inaasahang sumaksi, maging alin mang panig ay tama o mali. malaya tayong mag-isip at mawalan ng saysay na parang alikabok sa higanteng pusod ng mabangis na lipunan. o kaya naman, palihim na sumibol sa gitna ng disyerto kahit na nag-iisa.
"yOSI, aLAALA, aT iBA pA"
nandirito na naman ako, nag-iisa. madalas, tuwing tanghali, ay nalulugmok sa isang paboritong sulok kaharap ang mga bulaklak at insekto habang kinukumutan ng pinaghalu-halong amoy ng mga naglipanang mukha sa aking harapan. dito ko madalas hintayin ang mabagal na oras dahil katatapos lang ng klase at ayaw ko pang umuwi. nagpapahinga, nag-iisip ng kahit na anong maisip, nakatanga, nagmamatyag sa kahit na ano o sinong malapatan ng paningin. walang pakialam sa nagmamadaling mundo ng mga gising. nandito ako't abala sa isang munting sandali ng kapayapaan para hanapin muli ang sarili ko. teka... hindi pala ako nag-iisa rito. kasama ko itong sigarilyo.

"Paglalakbay"
hinto! galaw ka ng galaw hinto! sumakay ka na lang wag ka nang malikot lilibot pa tayo hanggang doon sa laot hinto! hindi mo mapipigil ito kahit sabihin mo pang hinto!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home